Tuesday, April 26, 2011

Sayang

Maaga ako nagising, 4:30 am pa lamang ay gising na gising na ako kahit na 8:30 pa ang pasok ko. Hindi ako mapakali, para bang may kung anong bagay akong nakalimutan na kailangang kailnagan ko ng gawin kaagad ngunit hindi ko maalala kung ano kaya hinanap ko agad ang aking organizer para tignan kung may dapat ba akong gawin pero nakita ko na wala naman.
Nagaalmusal ako kasama ng kapatid ko, muntik ko na matabig ang baso ko ng mainit na kape dahil sa kakaisip kung ano ba ang nakalimutan ko. Pumasok ako sa paaralan ng wala pa rin sa sarili. Talagang wala ako sa sarili dahil muntik pa ako madisgrasya dahil sa pag-iisip, pati mga classmates ko ay nagtataka na din sa akin dahil parang adik daw ako na bangag. Pagkatapos namin kumain ng tanghalian, habang naglalakad papunta sa classroom, bigla na lang akong kinabahan, yung hindi talaga ako mapakali, parang isusuka ko lahat ng kinain ko kaninang tanghalian, hindi talaga ako makahinga, naisip ko baka may ipapagawa lang sa amin professor namin. Pagdating ko sa classroom, may tumawag sa akin, sya, alam nyo na, yung lalaking una kong minahal at inisip na siya na rin ang huli pero pinagpalit lang ako sa iba. Nagungumusta lang naman at kung pwede daw ba kami magkita pagkatapos ng klase ko. Naisip ko, ayos lang yun dahil hindi naman malalaman ng girlfriend nya at magkaibigan na lang naman kami. Pumayag ako. Noong uwian na namin, nakita ko sya sa tapat ng gate ng school namin na nakatalikod sa kotse nya. Tinawag ko sya, ganun pa din ang itsura nya, gwapo pa rin. Nagpunta kami sa madalas naming pinupuntrahan nung kami pa, kumain kami ng paborito naming pagkain. Pagkatapos namin kumain ay nag-aya na akong umuwi dahil marami pa akong gagawin at kailangan nya pa bumalik sa Maynila pero sabi nya daan daw muna kami sa simbahan, nagulat nga ako kasi noong kami pa, tuwing inaaya ko siya na pumunta ng simbahan ay lagi na lang sya nagdadahilan, “baka umusok ka dun!”, sabi ko, “okay lang, minsan lang naman eh!!!”, tapos tumawa sya ng malakas, nakalimutan ko panandalian yung bagay na iniisip ko simula paggising ko at hindi ko na rin nararamdaman yung kaba na naramdaman ko bago sya tumawag, naisip ko, siguro ito lang yung kailangan ko gawin at kaya lang ako kinabahan dahil hindi ko inaasahan na tatawag sya. Pinagmamasdan ko sya habang nagmamaneho, parang bumabalik sa akin yung mga araw na kami pa, parang gusto ko siya biglang yakapin tapos sabihin sa kanya na “balik ka na sa akin, hindi pa ako nakakapag-move on”, napansin nya yata na nakatingin ako sa kanya, biglang nagbiro na “ang gwapo ko ‘di ba? Kaya mahal mo pa rin ako eh!!!” tapos bigla na lang sya tumawa, napalo ko nga, nakakainis kasi eh, pero masaya ako dahil nakasama ko ulit sya. Pagdating namin sa harap ng simbahan, paglabas namin ng kotse nya, hinawakan nya agad yung kamay ko tapos pumasok kami sa loob ng simbahan, walang tao, siguro dahil gabi na… hawak pa din nya kamay ko hanggang pagharap namin sa altar. Nakatayo lang kami ng mga ilang minuto tapos biglang nagring cell phone ko, mommy nya tumatawag, sinagot ko “Tita, bakit po? Kasama ko po anak nyo, nasa simbahan po kami, pagkagaling po namin dito uuwi na rin sya”, tumahimik lang mommy nya pero naririnig ko yung mga hikbi nya, naghello ako ulit sa mommy nya tapos nagsalita na sya habang umiiyak “tinawagan kita dahil alam ko na gusto ka na nya makasama at sa aking palagay ay dapat mo na itong malaman, wala naman siyang ibang kasintahan, ginawa nya lamang dahilan iyon dahil ayaw nya na mag-alala ka sa sakit nya, gusto nya na mabuhay ka ng walang iniisip na problema, pumunta ka dito sa bahay ngayon, para makita mo ang bangkay ng anak ko, bangkay ng lalaking nagmamahal sayo”, pagtingin ko sa tabi ko, naroon pa rin sya, pero iba na itsura nya, maputla tapos may dugo sa gilid ng labi nya, hawak pa rin nya kamay ko tapos sabi nya “hindi ba, bata pa lang tayo sinasabi ko na sa iyo na ikaw ang una at huling babaeng ihaharap ko sa altar, gusto ko tuparin lahat ng pinangako ko sa iyo, dahil ikaw lang ang babaing minahal ko kaya gusto ko bago ako mawala, kasama kita dito, dito sa harap ng altar, ito yung bagay na kailangang kailangan ko gawin dahil gusto ko gawin …. Mahal na mahal kita at patawad dahil iiwan kita muli”, bigla na lang bumagsak yung cell phone ko, napaupo na lang ako habang nakaharap sa altar. Kung kailan hindi ko na sya pakakawalan, huli na pala.
-END-



2 comments:

© yourfallengrace, AllRightsReserved.

Designed by ScreenWritersArena